Sunday, October 20, 2013

Paulit ulit.

Gusto kong umiyak ng umiyak hanggang sa magsawa ako.
Gusto kong makatulog sa kakaiyak,
dala dala ang bigat ng damdaming hindi ko man lang maibahagi.

Gusto kong paulit ulit isipin ang mgabagay na hindi ko kayang gawin.
Kahit masakit, kahit paulit ulit niyang dinudurog ang puso ko,
sa mga pagkakataong hindi ko magawang gawin ang tama, ang dapat.

Gusto kong maging patas, sa lahat ng ginagawa ko para sa tao.
Gusto kong maglaan ng oras sa mga taong karapat dapat na
ibinabahagi nito,

Gusto kong gawing simple ang bawat bagay.
Alam kong kaya ko.. ngunit hindi ko alam kung papaano.

Sana, applicable sa lahat ang 'just do it'.
Walang pag-aalinlangan, walang pag-iisip.
Simple. Walang problema.

Bakit hindi ko maialis sa sarili ko ang salitang komplikado?
Bakit ba patuloy kong pinapakiramdaman ang emosyon ko?

Hindi na ba ako natuto?

Nakakapagood.

Sana kayang maibsan ng bawat pag-iyak, nabawat tulo ng luha eh,
sinasama at pinapakawalan na rin ng katawan mo ang mga bagay na
bumabagabag at nagpapalungkot sa'yo.

*sigh*

No comments:

Post a Comment