May mga bagay na talagang sa isang tiyak na oras o panahon mo lang makikita.
Katulad ng mga bagay na nakikita mo habang unti-unting sumisikat ng araw.
Makikita mo kung paano naaabot ng araw ang bawat puno, halaman, poste
at iba pang mga bagay na tinatamaan ng liwanag nito.
Makikita mo ang anino sa pinagsamang kumot ng madilim na kalangitan at
katiting na liwanag ng araw.
Ang liwanag na kayang ipakita sayo ang mga bagay na hindi kayang ibigay ng iba.
Ang liwanag na nagbibigay ng bagong perspektibo sa mga bagay na ordinaryo sa paningin mo noon.
#021514
No comments:
Post a Comment