Friday, February 21, 2014

Para sa'yo.

Sa loob ng maraming taon, ikaw ang bukod tanging pinagtuunan ko ng pansin. Sa totoo lang, sa'yo ko na binuo ang mga pangarap ko. Sabi ko makakaya kong gawin lahat basta't nandiyan ka lang.

Kapag kasama kita, walang kasing saya ang nararamdaman ko. Ikaw ang palaging nandyan - masaya o malungkot man ako. Binigay mo ang isang bagay na hindi kayang ibigay ng iba. Ang sarili mo.

Kaya pakiramdam ko, hindi ako karapat-dapat para sa'yo. Ang dami kong pagkukulang. Maraming bagay ang dapat kong ginagawa para sa'yo pero isinasantabi at binabalewala ko lang.

Naisip kong kalimutan ka na lang.. pero hindi madali eh. Hindi ko yata kaya. Alam kong mahirap gawin at panindigan ang desisyon na 'to pero.. pwede bang mag-cool off muna tayo?

Alam kong marami pa tayong pangarap para sa isa't isa.. pero hindi ko 'yun kayang tuparin kung puro ganito na lang ako. Siguro nga ngayon, iba na. Marami nang nagbago. Nagbago na ako.

Sana hayaan mo muna akong umalis. Babalik naman ako eh. Pangako. Sana sa pagbalik ko, nandyan ka pa rin, naghihintay. Ayoko lang makita ang sarili ko na hindi ka kayang pahalagahan.

Kailangan ko lang sigurong hanapin ang sarili ko. Para sa susunod na magkita tayo, alam kong mas magandang bersyon na ako ng sarili ko.

Para sa'yo.

No comments:

Post a Comment